^

PSN Palaro

2 Gold, 3 silver AT 3 bronze medals mula sa 2011 SEA games

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia --- Hindi man naisa­katuparan ang asam na tatlong gintong medalya ay hin­di naman masasabing bi­go ang naging kampanya ng national wrestling team sa 26th SEA Games dito.

Tumapos ang national wrestlers taglay ang 2 gold, 3 silver at 3 bronze medals na kinapos ng isang ginto para mahigitan sana ang naitalang karta noong 2009 sa Laos SEA Games na 3-2-4 medal count.

Ngunit umabot sa 11 ang bilang ng manlalaro na sumabak sa Laos, habang walo lamang ang su­malang sa edisyong ito at walang kababaihang ipi­nadala.

Pero humingi pa rin ng pau­manhin ang pamunuan ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa nangyari.

“We in the WAP thought we could surpass our Laos record. Turned out we couldn’t repeat even that. We are sorry,” wika ni secretary general Karlo Sevilla.

Sina Margarito Angana at Jason Balabal ang si­yang nakapaghatid ng gintong medalya sa larangan ng Greco Roman sa 55kgs at 84kg, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang unang pagkaka­taon na sumali si Balabal sa Greco Roman upang malaman rin ng WAP na may potensyal ito sa nasabing event.

Nanalo naman ng silver sina Robertson Torres (120kg), Michael Baletin (74kg) at Roque Mana-ay (66kg), habang sina Balabal, Angana at Paulo delos Santos ang nanalo ng bronze medal sa larangan ng freestyle.

Ito naman ang huling kom­petisyon na lalahukan nina Jimmy at Jerry Angana, Baletin, Delos Santos at Mana-ay dahil magreretiro na sila matapos ang 2011 SEA Games.

“This is sports, things happen. But we will have a new line-up next year and there lies the new challenge,” dagdag pa ni Sevilla sa magiging hakbang ng WAP sa 2012.

BALABAL

DELOS SANTOS

GRECO ROMAN

JASON BALABAL

JERRY ANGANA

KARLO SEVILLA

MICHAEL BALETIN

ROBERTSON TORRES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with