^

PSN Palaro

Ginto na naging bato pa para sa mga Pinay; Sinag Pilipinas pasok naman sa finals

- Ni BRMeraña -

JAKARTA, Indonesia --- Ang sana’y kauna-unahang gintong medalya ng Perlas Pilipinas sa women’s basketball ay nakawala pa nang maisuko ang mapait na 73-75 overtime loss sa mga kamay ng Thailand kahapon dito sa Britama Arena.

Hinawakan ng mga Pinay ang 64-61 lamang pero sadyang mailap ang panalo dahil naipasok ni Juthamas Jantakan ang tres bago tumunog ang buzzer patungo sa extra period, 64-all.

“Iyong mga ganung breaks, frustrating talaga,” ani Perlas Pilipinas head coach Haydee Ong. “They counted it as a three-pointer.”

Nakitaan ang mahusay sa pagbuslo sa freethrow line sina Chonticha Chirdpetcharat at Jantakan para makau­ngos mula sa huling tabla sa 71-71.

Ininda rin ng Perlas ang split na ginawa lamang nina Joan Grajales at Angeli Jo Gloriani sa huling 20 segundo sa orasan para maging palaban na lamang sa silver medal matapos malaglag sa 2-1 karta.

Ikatlong sunod na panalo na ito ng Thais at kahit matalo pa sa Myanmar sa huling laro ngayon ay selyado na rin nila ang gold medal dahil sa ‘winner over the other rule’ kung magkakatabla sila ng Pilipinas sa 3-1 baraha.

May 18 puntos si Merenciana Arayi para sa Pilipinas na nagtala ng 17-of-26 freethrow shooting.

Ang silver medal noong 1995 SEA Games sa Chiang Mai, Thailand ang pinakamataas na nakuhang medalya ng mga Pinay cagers sa nasabing biennial meet.

Samantala, umabante naman sa finals ang Sinag Pilipinas sa men’s basketball sa pamamagitan ng 103-74 panalo sa Malaysia sa semifinals.

Sa first half ay naging dikitan ang labanan at lamang lang ng tatlo ang tropa ni coach Norman Black, 44-41.

Pero bumangis ang laro ng Nationals at tinapos ang ikatlong yugto sa paglarga ng 13-2 salvo upang hawakan na ang 73-60 bentahe papasok sa huling yugto.

Pinakamalaking bentahe ay naitala sa 33 puntos, 103-70, at ang Sinag ay maghihintay na lamang ng kalaban alinman sa Thailand o Indonesia.

Si Greg Slaughter ay umiskor ng 16 puntos, habang si Clifford Hodge ay may 12 marka at nagsanib naman ng puwersa sina Ryan Garcia, Jake Pascual at Nico Salva sa pinagsamang 33 puntos para itulak ang nagdedepensang kampeon sa imakuladang 4-0 karta sa torneo.

May 24 puntos si Guganeswaran Batumalai pero 15 rito ay ginawa sa first half upang mangapa sa pagkukunan ng puntos ang Malaysian team.

ANGELI JO GLORIANI

BRITAMA ARENA

CHIANG MAI

CHONTICHA CHIRDPETCHARAT

CLIFFORD HODGE

GUGANESWARAN BATUMALAI

HAYDEE ONG

JAKE PASCUAL

JOAN GRAJALES

PERLAS PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with