^

PSN Palaro

Walang nakuhang gold medal

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia --- Isang silver medal ang nakuha ng mga Filipino athletes sa bridge event ng 26th Southeast Asian Games dito kagabi. 

Ang pilak ay kinuha sa mixed pair ng bridge event nang matalo sa Thailand.

Mga panalo naman sa men’s bas­­ketball, nina lady bo­xers Josie Gabuco at Alice Ka­te Aparri at cue master Fran­cis­co “Django” Bustamante sa semifinals ang nagbibigay hininga sa asam ng Pilipinas na magkaroon ng disenteng pagtatapos sa 2011 SEA Ga­mes.

 Bokya sa ginto ang Team Phl kahapon at ang men’s soft tennis team lamang ang namuro pero ki­napos sa asam na ginto nang matalo sa Indonesia, 2-0, na nilaro sa Bukit Asam Tennis Court dito sa Jaka­baring Sports Complex.

Ang huling ginto ay ga­ling kina Francisco Sainz Alquiros at Gemma Mariano Tan sa mixed buttlers sa bridge event noong Huwe­bes ng gabi.

Ang men’s sabre team na binubuo nina Walbert Men­do­za, Gian Carlo Nocom, Eric Brando II at Edmon Ve­lez ay nakuntento sa bronze medal nang mata­lo sa Malaysia, 33-45, sa men’s team sabre.

Bronze medal rin ang ang nasungkit nina Saman­tha Bermudez, Mark Griffin at Carlo dela Torre sa mi­xed team sa wakeboard na kabahagi ng water ski.

Ang araw ay binulaga ng ma­samang balita nang hindi pinasali ang mga pambato at sinasabing patok sa BMX na sina Fil-Americans Alexis Manosa at Daniel Patrick Manabat dahil sa pagkakaroon ng American at Filipino UCI licenses.

Hindi tinanggap ng or­ganizers ang paliwanag ng mga local officials kung ba­kit nagkaganito ang lisensya ng mga kinatawan ng bansa upang mawalan agad ng dagdag medalya ang bansa.

Napako pa sa 19 ang gin­tong napanalunan ng bansa at isama pa ang 34 silver at 45 bronze me­dals ay nananatiling nasa ikaanim ang Pilipinas sa overall standings.

Malayo na ang host Indonesia sa 118-90-81, habang ang Vietnam (70-66-66), Thailand (67-60-73) at Malaysia (40-40-53) ang nasa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Malaki pa rin ang laban ng Pilipinas dahil umusad ang ibang lahok sa finals.

 Nanguna ang basketball na dinurog ang Malaysia, 103-74, sa semifinals upang pawiin ang pait na dulot ng 75-73 kabiguan sa overtime ng women’s team sa Thailand sa kanilang bakbakan para sa ginto sa kanilang dibisyon.

Tinalo nina women’s pin­weight Josie Gabuco at light flyweight Alice Kate Aparri ang mga katunggaling Indonesian pugs na sina Apriliany Pricilia at Selly Wanimbo para samahan si bantamweight Nesthy Petecio sa finals na lalaruin ngayong hapon.

ALICE KA

ALICE KATE APARRI

APRILIANY PRICILIA

BUKIT ASAM TENNIS COURT

DANIEL PATRICK MANABAT

EDMON VE

ERIC BRANDO

JOSIE GABUCO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with