Bakers nakuha ang unang panalo sa D-League

MANILA, Philippines - Naipasok ng Café Fran­ce ang mga tres upang ma­kabangon mula sa 18 pun­tos pagkakalubog at ku­nin ang 78-73 panalo sa Cobra Energy Drink sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa FEU Gym.

Ang magkasunod na tres ni Mac Montilla ang bu­mulaga sa pagbubukas ng fourth period para ma­kuha ng Bakers ang ka­lamangan.

Si Jeff Viernes naman ang nagpasok ng mas ma­halagang tres upang mai­layo sa 73-69 ang Ba­kers sa huling minuto ng la­banan laban sa Ironmen.

“Naipakita namin na ka­ya naming manalo sa ligang ito,” pahayag ni Edgar Ma­caraya.

Pinawi rin ng panalong ito ang mapait na 80-76 pag­katalo noong Lunes sa kamay ng RnW Pacific Pi­pes sa larong nakalamang sila ng doble-pigura papasok sa huling yugto.

Nalaglag sa 0-4 karta ang Ironmen gayong luma­yo agad sila sa 24-6 at 27-9 sa unang yugto.

Kampante pa rin silang nangunguna sa 16 puntos, 48-32, nang magpakawala ang Bakers ng 26-11 run sa third period.

Show comments