^

PSN Palaro

Taekwondo jins nakatutok sa 2012 Olympic Games

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na kampanya sa 26th SEA Games sa Indonesia, apat na jins na nanalo ng medalya ang magpupuntirya na makakuha ng pu­westo sa 2012 London Olympics.

Sina John Paul Lizardo, Camille Ma­nalo, Kirstie Elaine Alora at Samuel Morrison ang mga ipanlalaban ng Pilipinas sa Asian Olympic Qualifying Taekwondo tournament sa Bangkok, Thailand.

Ito ang huling torneo na puwedeng mag­pasok ng jins ang mga Asian countries na nakatakda sa Nobyembre 26-27.

Dapat isinagawa ang nasabing kom­petisyon noong Nobyembre 14 hang­gang 16 pero pinagpaliban dahil sa malawakang pagbaha sa nasabing ban­sa.

“Our jins are in high spirits after the SEA Games that was a very good build up for us,” wika ni coach Rocky Samson.

Si Lizardo ay nanalo ng ginto sa men’s flyweight, habang sina Aloro at Manalo ay namayani sa women’s heavy­weight at lightweight, ayon sa pag­kakasunod.

Si Morrison ay nag-uwi naman ng bron­ze medal sa men’s featherweight upang ang jins na inilaban sa Indonesia ay maghatid ng apat na ginto, tatlong pilak at limang tansong medalya.

Ito ang ikalawang pagkakataon na mag­tatangka si Lizardo na makapasok sa Olympics dahil kabilang siya sa mga nag­laro sa World Qualifying kasama ni­na Marlon Avenido, Jyra Lizardo at Jade Zarfa.

Para makapasok sa 2012 London Ga­mes, kailangang tumapos ang mga ito sa unang tatlong puwesto sa kanilang pag­lalaruang dibisyon.

Si 2004 at Greece at 2008 Beijing Olympian Toni Rivero ay hindi makaka­sama dahil nagkaroon ito ng ACL injury sa kanyang kanang tuhod.

Lumiban sa 2010 Asian Games dahil sa ACL sa kaliwang tuhod, nagtangka si Ri­vero na bumalik sa kompetisyon pero mi­nalas na na-injured matapos ang trai­ning sa Korea.

ASIAN GAMES

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING TAEKWONDO

BEIJING OLYMPIAN TONI RIVERO

CAMILLE MA

JADE ZARFA

JYRA LIZARDO

KIRSTIE ELAINE ALORA

LONDON GA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with