^

PSN Palaro

Ranola tinalo si Amit sa finals ng 9-ball sa 2011 SEA Games

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia, Philippines  --- Isang panalangin ang kaagad na ginawa ni Iris Ra­nola matapos makara­ting sila ng kababayan at nag­dedepensang kampeon si Rubilen Amit sa finals ng women’s 9-ball singles event ng 26th Southeast Asian Games dito.

“Nagdasal po ako at si­nabi ko lang na kung ibi­bigay ang gold ay sobrang okey ito. Pero kung hindi na­man ay okey din dahil ang pa­nalo rito ay ang Pilipinas,” wi­ka ni Ranola.

Dininig ng Panginoong Di­­yos ang kanyang da­sal dahil tinalo niya ang da­ting kampeong si Amit, 7-2, sa finals para ma­ging kau­na-unahang double gold me­dalist ng Pilipinas sa gina­ganap na biennial event.

Bago ang pananaig kay Amit ito ay tinalo muna ni Ra­­no­la si Amanda Rahayu ng Indonesia, 5-1, sa finals ng 8-ball singles noong Martes.

Si Amit ang gold medal winner sa 8-ball at 9-ball singles noong 2009 SEA Ga­­mes sa Laos.

“Sinuwerte din lang po ako dahil magaling si Rubi­len,” dagdag pa ni Ranola na tubong Zamboanga at ini­alay ang mga panalo sa may sakit na ama.

Naitala ang All-Filipina finals nang manalo si Ranola kay Huynh Phi Ngoc Huyen ng Vietnam, 7-3, habang 7-4 naman ang hinablot ni Amit kay Hoe Shtj Wha ng Singapore.

Ito na ang ikatlong ginto na hatid ng mga cue artists matapos maghari si Dennis Orcollo sa men’s 8-ball singles event.

AMANDA RAHAYU

DENNIS ORCOLLO

HOE SHTJ WHA

HUYNH PHI NGOC HUYEN

IRIS RA

PANGINOONG DI

PILIPINAS

RANOLA

RUBILEN AMIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with