^

PSN Palaro

Team PHL naglusot ng 3 ginto

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indonesia --- Tinalo ni Iris Ranola si Rubilen Amit sa All-Fili­p­ina finals sa women’s 9-ball event upang pasi­mulan ang tatlong gintong me­dal­ya na kinuha ng Pilipinas pag­­pasok sa kalagitnaan ng kompetisyon sa 26th SEA Games dito kahapon.

Hiniritan ng 7-2 pana­lo ni Ranola ang dating kam­peon na si Amit para wa­kasan ang kampanya sa edisyon tangan ang dalawang gintong medalya.

‘Sinuwerte lang tayo, si­guro talagang kundisyon at ang motibasyon ko na ma­nalo ang nagbigay sa akin ng lakas,’ ani Ranola, naka­tum­bok ng dalawang gold medal sa billiards event.

“Masakit din sa loob ko nang lumamang ako sa 6-1 kasi gusto ko ring ma­kabawi rin siya,” sabi ni Ra­nola kay Amit, ang gold me­dal winner ng 8-ball at 9-ball event noong 2009 La­os SEA Games.

Bago ito ay nasungkit mu­na ni Ranola ang gold me­dal sa 8-ball singles nang hiritan ng 5-1 panalo si Amanda Rahayu ng In­do­­nesia.

Umararo rin ng ginto ang men’s compound team sa archery at si Nancy Quil­lo­tes sa judo para tulungan ang Pilipinas na magkaro­on ng 18 ginto.

Sa pangunguna ni Earl Ben­jamin Yap na nag-uwi ng pilak sa individual event, ang men’s team ay nanaig sa Malaysia, 225-221, para pa­wiin ang bronze medal na pagtatapos ng women’s com­pound team.

Si Quillotes ay na­naig naman kay Terry Kusuna­wa­dan ng In­donesian, 1-0, sa 45kg. di­vision.

Hindi kinaya ng tambalan nina Benjamin Tolentino at Jose Rodriguez na ma­dagdagan ang gintong ibi­nigay ni Nestor Cordova na­ng pumangalawa sa doubles scull event sa Ci­pule Regatta Course sa West Java.

Naorasan ng 6:44.48 si­na Tolentino at Rodriguez at kapos ng mahigit na apat na segundo kina Chaichana Thakum at Ruthtanaphol Theppibal na naglista ng 6:40.18 tiyempo.

Hindi naman umubra si Jul Omar Abdulhakim kay Vo Duy Phuong ng Viet­nam sa finals sa men’s 50-55 kilogram sa pencak silat pa­ra makuntento sa pilak.

Masakit naman ang nangyari kina Jason Balabal at Jimmy Angana na ina­asahang mananalo sa free­style ngunit nakasikwat la­mang ng bronze medal.

Si Balabal, nanalo ng gin­to sa 84kg. sa Greco Ro­man, ay natalo kay Me­thee Tepakam ng Thailand pa­ra maisuko ang hawak na titulo sa 84kg-96kg division.

Si Angana ay talo agad sa kanyang unang dalawang laban pero nakalikom si­ya ng mas maraming pun­­tos upang talunin si Win Hlaing Htwe ng Myanmar pa­ra sa bronze medal sa 66kg-74kg division.

Ang opisyal na nalikom pa lamang ng Pilipinas ha­bang isinusulat ang balitang ito ay 3 gold, 3 silver at 2 bronze me­dals upang magkaroon ng kabuuang 18 gold, 32 silver at 37 bronze medals pa­ra mana­ti­li sa ikaanim na puwesto.

May 98 gold, 70 silver at 73 bronze me­dals ang host Indonesia at malayo na sila sa Vietnam (63-62-62), Thailand (55-53-64), Malaysia (34-26-46) at Singa­pore (30-33-51).

AMANDA RAHAYU

BENJAMIN TOLENTINO

CHAICHANA THAKUM

EARL BEN

GRECO RO

IRIS RANOLA

JASON BALABAL

PILIPINAS

RANOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with