MANILA, Philippines - Tatlong koponan na hindi pa nananalo ang magpipilit na matapos ang kalbaryo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa FEU Gym.
Isa sa Cobra Energy Drink at Café France ang mapapasok sa win-column sa kanilang pang alas--2 ng hapon na laro, habang ang PC Gilmore ay mapapalaban sa inspiradong RnW Pacific Pipes sa alas-4.
Kung pagbabasehan ang huling laro, mapapaboran ang Bakers dahil nakalamang sila ng malaki bago kumulapso sa huling yugto patungo sa 76-80 kabiguan sa Steel Masters kamakalawa.
Gamit ang mga bagong Fil-Ams na sina Virgil Buensuceso at Jordan Sanvictores na tumapos ng 19 at 17 puntos sa huling laro, ayon sa pagkakasunod, naniniwala si Steel Masters coach Topex Robinson na makakapagbigay sila ng magandang laban.
Ngunit di dapat ang labis na kumpiyansa sa nasabing koponan dahil kahit 0-2 ang Wizards, inaasahang makakapagbigay sila ng mas magandang laban ngayon dahil maglalaro na sina Fil-Ams Kelly Nabong at Alfred Mandani.
Sina Nabong at Mandani na dating kumampanya sa Cebuana Lhuillier, ay maaari nang maglaro matapos makuha ang mga kinakailangang dokumento mula sa BID.