Sinag Pilipinas tinunaw ang Vietnam

JAKARTA, Indonesia --- Mas mabangis ang Phi­lippine men’s team sa ika­lawang laro laban sa Vietnam nang kunin ang 107-53 panalo sa Britama Arena dito.

Ang depensa ng kopo­nan sa first period ay nag­li­mita sa apat na pun­tos sa Vietnam, habang uma­rangkada ang opensa sa 32 puntos patungo sa ka­nilang panalo.

 “It’s an important se­cond win for us. For most part of the game, our offense was good,” wika ni head coach Norman Black.

May 20 puntos at 6 re­bounds si 7-footer Greg Slaughter, habang si Bobby Ray Parks Jr. ay naghatid ng 19 puntos.

Sina Chris Ellis at Garvo Lanete ay may tig-11.

“We can’t take any team for granted here,” paalala ni Black sa Natio­nals, nag­mula sa 82-62 paggu­po sa Cambodia noong Lu­nes, na babanggain ang Thai­land ngayon upang ma­laman kung sino ang ma­ngunguna sa Group A.

Show comments