^

PSN Palaro

Magandang pamamaalam ni Walbert

- Ni BRMeraña -

BEKASI WEST JAVA, Indonesia --- Binigyan ni Walbert Men­doza ang sarili ng magandang pamamaalam sa paglahok sa SEA Games nang kunin ang gintong medalya sa paboritong men’s individual sabre na pinag­labanan ka­hapon sa Uni­versity of Brunei dito.

Nanaig sa palitan ng tusok si Mendoza kay Than An ng Vietnam, 15-14, at mabawi ang gintong hinawakan mu­la 2001, 2003 at 2005 edisyon ng SEA Games.

Nagwakas ang streak ni Mendoza sa 2007 Thailand nang pumangalawa lamang at hindi nagkaroon ng pag­ka­kataon na mabawi ito sa Laos dahil inalis ang fencing bu­nga ng kawalan ng pasilidad.

Lumayo na si Mendoza sa 13-8 pero tumawag ng time­out si Than at ito ang nakasira sa momentum ng Fi­lipino fencer at nakatabla ang katunggali sa sumunod na palitan.

“Sinikap kong ibalik ang focus sa laro at tinapatan ang pa­giging agresibo niya,” wika ni Mendoza na nagsimula mag­laro sa SEAG noong 1997 sa Jakarta sa edad na 18- anyos.

Wala nang balak na maglaro pa sa regional games si Mendoza at kontento na nang mabawi ang titulong ha­wak.

Umaasa naman si national coach Orly Viscayno na madaragdagan pa ang gintong medalya na ito sa pag­papatuloy ng aksyon ngayon.

BINIGYAN

BRUNEI

LUMAYO

MENDOZA

NAGWAKAS

NANAIG

ORLY VISCAYNO

SHY

THAN AN

WALBERT MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with