POC kumpiyansa pa rin sa tsansa ng Team Phl sa SEAG
PALEMBANG, Indonesia --- Sa kabila ng di gaanong produktibong performance ng pambansang atleta sa 26th Southeast Asian Games, kumpiyansa pa rin ang Philippine Olympic Committe (POC) na malalampasan ang 38 gintong medalya na naiuwi sa Laos SEAG.
Ito ang pahayag ni deputy Chef De Mission Romeo Magat.
Sinabi ng dalawa na simula ngayong araw ay magsisimula nang humakot ang pambansang atleta ng medalyang ginto sa magkahiwalay na lugar sa Jakarta, West Java at sa main hub na Palembang.
Ayon kay Magat, may ilang sports disciplined na sigurado nang makakasungkit ng gintong medalya ang mga atleta.
"So far, satisfied naman kami sa performance ng mga athletes dahil yung ibang events na malakas ang Pilipinas, lalaruin sa mga darating na araw," wika ni Magat na siya ring secretary-general ng Philippine Lawn Tennis Association.
Kabilang sa inaasahang hahakot ng gintong medalya ang bansa mula sa lawn tennis, soft tennis, boxing, chess, softball, weightlifting at wrestling.
Inaasahang kukubra ng apat na ginto ang mga boxers, habang tig-tatlo naman sa tennis, chess at wrestling.
Posible ring humakot ng ginto sa tennis, soft tennis, weightlifting, wrestling, boxing, chess at softball.
- Latest
- Trending