Natupad ang misyon ni Orcollo sa SEAG

PALEMBANG, Indonesia --- Matapos malaman ni Den­nis Orcollo na kasama si­ya sa national team na lal­aro sa 26th SEA Games, isa lamang ang agad niyang ipinasok sa kanyang isi­pan --- ang manalo ng gintong medalya sa 8-ball event.

“Noong dumating ako ri­to, umaasa na akong ma­nanalo kaya ngayong nang­yari na, kumpleto na ang misyon ko,” wika ni Or­collo.

Para makuha ang gintong medalya, dalawang In­donesian cue artist ang kan­yang dinaanan na sina Mu­hammad Zulfikri at Ric­ky Yang.

Ngunit parehong hindi umubra ang husay ng mga ito bukod pa sa mainit na su­porta ng kanilang mga ka­babayan matapos ku­nin ni Or­collo ang 7-4 panalo la­ban kay Zulfikri sa semifi­nals at mas nakakamanghang 7-2 panalo kay Yang sa alternate break, race-to-7 format.

Ang panalo ay nagbi­gay sa 32-anyos na si Or­col­lo ng kanyang ikalawang SEA Games gold matapos mag­bunga ang tambalan ni­la ni Alex Pagulayan sa 9-ball doubles sa 2005 Phi­lippine SEA Games.

Lumahok din siya sa La­os noong 2009 pero uma­ni lamang ng bronze me­dal sa 9-ball singles.

 “Malas ako noon kaya hanggang semifinals lang ang inabot. Pero ngayon ma­­gaan na ang loob ko,” dag­­dag pa ni Orcollo.

Naiwang mag-isa si Or­collo dahil ang kakamping si Warren Kiamco ay nasibak sa quarterfinals laban kay Nguyen Anh Tuan, 7-3.

Pero kita ang tibay ng lo­ob ni Orcollo at masasabing ang naging mabigat na pagsubok ay sa unang la­ban kontra kay Chan Keng Kwang ng Singapore nang kailanganin niyang hu­mabol mula sa 0-4 at ipa­nalo ang pito sa sumu­nod na walong racks na pi­naglabanan.

Ang SEAG gold medal ang ikalawang malaking pa­nalo ni Orcollo sa taong ito matapos manaig ang 2010 Guangzhou Asian Games gold meda­list sa World 8-Ball Championship sa Fujairah noong Peb­rero.

Show comments