Lizardo, Alora sumipa ng dalawang ginto sa taekwondo event
JAKARTA, Indonesia - Ipinakita nina John Paul Lizardo at Kirstie Elaine Alora ang kani-kanilang dominasyon sa nilahukang dibisyon para magkaroon ng apat na ginto ang Pilipinas sa pagtatapos ng taekwondo competition kahapon sa POPKI Sports Hall, Cibubur dito.
Tinalo ni Lizardo si Jerranat Nakaviroj ng Thailand, 3-2, para makuha ang ginto sa men’s flyweight division.
Bago nakarating sa Finals, tinalo muna sina Ryan Chong ng Malaysia at Jason Tan Jun We ng Singapore para makapasok sa gold medal match, ang tagumpay na ito ni Lizardo ang nagbangon sa kanya matapos matalo sa Thai jin sa finals ng dibisyon sa Laos noong 2009.
Naging mabilis naman ang pagkilos ni Alora sa extra round nang makuha ang mahalagang puntos tungo sa 3-2 panalo laban kay Eka Sahara ng Indonesia sa women’s heavyweight division.
Dalawa lamang silang naglaban sa dibisyon at hinigitan ni Alora ang silver medal finish na naitala sa Laos nang kunin ang ginto.
Hindi naman pinalad si Alexander Briones sa men’s heavyweight nang matalo sa finals laban sa lahok host team na si Rizal Samsir para sa pilak na medalya.
Humakot din ng tatlong silver at limang bronze medals, halos naduplika ng pambansang koponan ang nagawa na 4 gold, 4 silver at 4 bronze medals noong 2009 sa edisyong ito.
Sapat na ito para makamit ng taekwondo association ang target nilang bilang ng medalya
- Latest
- Trending