^

PSN Palaro

Team Phl nagdagdag ng 6 golds

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia - Nagsimula nang du­ma­ting ang inaasahang mga gintong medalya ng Pi­l­ipinas matapos manalo ng anim ang mga national ath­­letes mula sa apat na sports di­sciplines na idina­os sa mag­kakahiwalay na lu­gar.

Bumandera ang mga la­hok sa taekwondo nang mag­tagumpay sina John Paul Lizardo at Kirstie Elaine Alo­ra, habang sina bowler Fre­­derick Ong, cue artist Iris Ranola, fencer Walbert Men­doza at wrestler Jason Ba­labal ay nagningning rin.

Bunga ng kaganapang ito, ang Pilipinas ay mayro­on nang 14 gold, 18 silver at 24 bronze medals at na­nanakot na dikitan ang pu­mapang limang Malaysia na may 16 gold, 17 silver at 28 bronze medals.

Sa mga nanalong ito, kay Mendoza ang na­ging ma­kulay dahil ito na ang kan­yang huling pagkakata­on na lalahok sa SEA Ga­mes.

Ang malawak na kara­nasan ng paglalaro ang gi­namit ni Mendoza nang ma­nalo sa dikitang 15-14 laban kay Than An ng Vietnam.

Naunang nagpasikat sa araw na ito sina Li­zardo at Alo­ra para tapusin ng taek­wondo team ang kampanya tag­lay ang apat na ginto.

Binawian ni Lizardo si Jerranat Nakaviroj ng Thai­land, ang tumalo sa kan­ya sa 2009 sa Laos SEA Games, gamit ang 3-2 pa­nalo.

Pinatahimik naman ni Alo­­ra ang manonood na su­­musuporta sa kanilang ka­­babayang si Eka Sahara nang kunin ang 3-2 iskor sa women’s heavyweight di­vision.

Nabigo si Alex Briones na maidepensa ang kanyang titulo sa men’s heavyweight nang lasapin ang 2-5 ka­biguan kay Rizal Samsir ng Indonesia.

Nagpagulong si Ong, isang bronze medalist ng 2010 Asian Games, ng 1386 puntos at nanalo laban sa kababayan na si Jeremy Po­­sadas na may 1365 iskor.

Si Balabal na pambato sa freestyle ay nanalo sa unang subok niya sa 84 ki­logram sa Grego Roman, ha­bang si Ranola ay nanaig kay Manda ng Indonesia sa bi­sa ng kanyang 5-1 panalo.

Naipaghiganti ni Ranola ang pagkatalo ng kababa­yan at dating kampeon na si Rubilen Amit sa kamay ni Manda sa 4-5 iskor sa quar­­terfinals.

Nabigo naman ang men’s tennis team na ma­dag­dagan pa ang gintong na­­panalunan nang yumukod sa host Indonesia, 2-1, at maisuko ang dating ha­wak na titulo.

Patuloy ang arangkada ng Indonesia sa overall stan­dings mula sa nakolektang 66 gin­to, 51 pilak at 44 tansong me­dalya.

Kasunod ang Thailand (40-27-44), Viet­­nam (30-35-43) at Si­n­ga­pore (19-20-33) ang umo­­okupa sa sumunod na tat­l­ong puwesto.

vuukle comment

ALEX BRIONES

ASIAN GAMES

EKA SAHARA

GREGO ROMAN

IRIS RANOLA

JASON BA

JEREMY PO

JERRANAT NAKAVIROJ

JOHN PAUL LIZARDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with