^

PSN Palaro

Rebuilding sa barangay ginebra

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Hindi na muna siguro dapat gawing issue ang “age” sa kampo ng Barangay Ginebra.

Isa kasi sa mainit na pinagdedebatehan ngayon ay kung dapat pa rin bang umasa nang todo si coach Bethune “Siot”Taquingcen sa kanyang mga beterano o kailangan na niyang bigyan ng mahabang playing time ang mga batang manlalaro bilang paghahanda pa­ra sa isang rebuilding process.

Kay Tanquingcen na rin nagsimula ang issue dahil sa nabanggit nga niya ang diperensya ng kanyang mga beterano’t mga bata. Inihahalintulad kasi niya ang Ba­rangay Ginebra sa ibang koponan.

Eh, kung susuriin ngang mabuti ay makikitang isa ang Gin Kings sa maraming beteranong players na palaging nagtatamo ng injuries.

Iyon ay malaking factor.

Pero hindi naman ang Gin Kings ang maituturing na pinakamatandang team. Mas maraming may edad na players ang Barako Bull, hindi ba?

Ang sabi na ng karamihan, kung ang current line-up ng Barako Bull ay naglalaro five years ago, parang walang tao ang Energy! Pero ngayon kasi ay parang one step slower ang mga beterano ng Barako Bull. Mabuti nga at nasa itaas pa sila ng standings.

Pero hindi naman Barako Bull ang napag-uusapan, eh. Barangay Ginebra ang pinagdedebatehan.

Lalong nagkaroon ng distinction ang mga bata sa mga beterano nang mag-establish si Tanquingcen ng starting five na kinabibilangan nina Robert Labaga­la, John Wilson, JC Intal, Willy Wilson at Yancy de Ocampo.

Pagkatapos ay unti-unti niyang ipapasok ang mga beteranong sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Enrico Villanueva, Mike Cortez at Niño Canaleta.

Hindi niya magamit ang injured na si Eric Menk at si Billy Mamaril na pinayagang hindi maglaro upang alagaan ang kanyang maybahay.

Pahapyaw din ang gamit sa mga batang players na sina Jimbo Aquino at rookie Riel Cervantes.

So, dahil may linya sa gitna, nagkakaroon ng argumento. At kung minsan ay nararamdaman ng mga fans na kahit paano’y may mga beteranong nagsisintir.

Okay lang naman kasi sa mga beterano na bawasan ang kanilang playing time at bigyan ng exposure ang mga bata. Pero ito ay kung nagde-deliver ang mga bata.

Pero kadalasan ay lumalabas ang katotoha­nang hilaw pa sila at mi­namama at nilalama­ngan ng kalaban. Tuloy, ka­pag ipinasok ang mga betera­no, malaki ka­agad ang pressure na iha­bol nila ang kanilang ko­po­nan.

Kahit paano’y ‘unfair’ nga naman iyon.

So, para huwag lu­ma­la ang sitwasyon, huwag na munang pag-usapan. Tutal, kahit pag-usapan araw-araw, hindi na­man magagawan ng pa­raan na magkaroon ng ma­la­wakang balasahan at mag­pabata nang husto ang Baragay Ginebra.

Hindi puwede ang ma­bilisan diyan. Sisimulan ng kaunti ngayon, itutuloy sa susunod na Draft hanggang sa tulu­yang magkaron ng mga batang superstars na puwede ta­lagang mag-take over.

Hindi puwedeng ma­ging matagumpay ang rebulding process sa isang kisapmata.

** ** **

INAANYAYAHAN ko ang aking mga kaklase sa Kalibo Elementary School – Batch ’75 na dumalo sa ating 1st Grand Reunion sa Disyembre 17, 2011 na gaganapin sa Niño’s Ihaw-Ihaw, Bulwang, Nu­mancia at sa ating 1st Batch ’75 Christmas Party sa Disyembre 18, 2011 sa Adee’s Catering Ser­vices Capitol Site, Kalibo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag­-ugnayan sa akin sa cell­phone number 0922-845-6867.

See you there.

BARAGAY GINEBRA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BILLY MAMARIL

GIN KINGS

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with