Smart National Age-Group Championships

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban ang mga batang taekwondo jins sa paghataw ng 2011 Smart National Age-Group Championships sa Nobyembre 19-20 sa Ni­noy Aquino Stadium.

Humigit-kumulang sa 1,000 jins ang magtatapat sa junior men at junior wo­men (14-16-anyos) at sa gra­de school (boys at girls’ 13-anyos pababa).

Sinabi ni organizing com­mittee chairman Sung Chon Hong na maipapakita ng mga age-groupers ang ka­nilang mga talento sa na­turang torneo.

Si Hong ng Philippine Ta­ekwondo Association ang nakaisip ng pagpapa­kilala ng taekwondo sa mga bata.

Ang taekwondo ang pa­­lagiang nahuhugutan ng me­dalya ng bansa sa mga Olym­pic Games, Asian Ga­mes at Southeast Asian Ga­mes.

Ang age-group compe­ti­tion ay suportado ng Philip­pine Sports Commission, Smart Communications, MVP Sports Foundation, PLDT at Milo.

Show comments