^

PSN Palaro

Big Chill nilusutan ang dub unlimited

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nakumpleto ni Jessie Col­lado ang mahalagang three-point play upang angkinin ng Big Chill ang 62-61 pa­nalo laban sa minamalas na DUB Unlimited sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Yñares Arena sa Pasig City.

Tabla ang iskor nang ma­lusutan ni Collado ang de­pensa ng kalaban at su­nod dito ay bumanat ng ma­layong jumper si John Gon­zales sabay tunog ng final buzzer.

Matapos rebisahin ng mga referee, idineklara ni­lang 2-pointer lamang ang naipasok na ito para manalo ang Super Chargers at ma­kasalo sa Cebuana Lhuillier at Freego Jeans sa unahan sa 3-0 karta.

Nalaglag naman ang Wheelers sa ikaapat na su­nod na pagkatalo para ma­natili sa huling puwesto.

Sinandalan naman ng RnW Pacific Pipes ang mainit na paglalaro ng sentrong si Jordan Sanvictores sa hulilng yugto upang itab­la ang karta matapos ang apat na laro gamit ang 80-76 panalo sa Café France.

Hinabol ng Steel Masters ang 15-puntos na kalamangan ng Bakers at si Sanvictores ang siyang nanguna rito nang maghatid ng 11 sa kabuuang 17 puntos sa laro.

Nanguna sa tropa ni coach Topex Robinson si Fil-Am Virgil Buensuceso sa kanyang ginawang 19 puntos.

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

FIL-AM VIRGIL BUENSUCESO

FREEGO JEANS

JESSIE COL

JOHN GON

JORDAN SANVICTORES

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with