^

PSN Palaro

Sinag Pilipinas nagningning sa 26th sea games

- Ni Beth Repizo-Meraña -

JAKARTA, Indonesia -- Katulad ng dapat asahan, magarang pagbubukas ang ginawa ng men’s national basketball team sa 26th SEA Games nang ilampaso ang Cambodia, 127-68, sa Britama Arena ka­hapon dito.

Lahat ng 12 Sinag Pilipinas players na ginamit ni coach Norman Black ay umiskor para sa koponang nagbabalak na ibigay sa bansa ang ika-15th titulo sa SEA Games mula noong 1977.

Isang beses lamang na­­wala ang titulo sa Pilipinas na nangyari noong 1989 sa Kuala Lumpur, Ma­laysia at huling nagkampeon ang pambansang koponan noong 2007 sa Thailand nang walisin ang kompetisyon sa bisa ng 42-point winning margin.

“We really don’t know much about the Cambodians and basically, we set our offense on motion in the game,” Black.

Binulaga ng Pilipinas ang katunggali sa first period nang umiskor ng 35 pun­tos tungo sa 15 puntos kalamangan.

Mula rito ay wala ng na­ging problema pa ang ko­ponan at tinapos ang laro sa pag-iskor ng 32 at 34 puntos sa huling dalawang yugto.

Si Kiefer Ravena ay may­roong 17 puntos, mula sa 8-of-8 shooting, para pa­ngunahan ang pitong manlalaro na may mahigit na 10 puntos para maagang makasalo ng Pilipinas ang Thailand sa liderato sa Group A.

“It’s our first game and we didn’t really know much about Cambodia. We found out immediately that they have three good players. They played competitively in the first half,” said Black.

Maningning na simu­la rin ang ipinakita ng Thai­land, ang mahigpit na karibal ng Pilipinas sa titulo, nang durugin ang Vietnam, 85-54, sa isa pang laro.

Naging doble ang se­leb­rasyon dahil nanaig rin ang women’s team kontra sa nagdedepensang kampeon na Malaysia, 64-56.

Binuksan ng tropang ha­wak ni coach Haydee Ong ang labanan sa 16-2 at mula rito ay hindi na nili­ngon ang kalaban para mapalakas ang paghahabol sa kauna-unahang titulo sa women’s basketball event sa SEAG.

Phl 127 - Ravena 17, Garcia 16, Lanete 15, Salva 14, Marcelo 12, Ellis 12, Parks 10, Tiu 9, Hodge 9, Pascual 6, Slaughter 5, Monfort 2.

Cambodia 68 - Sophoeun 24, Pek 24, Boroth 15, Kim 3, Mohn 2, Chom 0, Therro 0, Lov 0, Kim R. 0, Meas 0, Sovann 0.

Quarterscores: 35-20; 61-39; 93-56; 127-68.

BRITAMA ARENA

GROUP A

HAYDEE ONG

KIM R

KUALA LUMPUR

NORMAN BLACK

PILIPINAS

SHY

SI KIEFER RAVENA

SINAG PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with