Souquet dinomina si Biado sa Face Off
MANILA, Philippines - Binigo ni German Ralf ‘Kaiser’ Souquet si Carlo Biado, 9-3, sa Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series noong Sabado ng gabi sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.
Dinomina ng World Pool Masters champion na si Souquet si Biado, ang 2011 BSCP National Pool titlist, sa kabuuan ng kanilang laro.
Dahil sa tagumpay, ibinulsa ng dating WPA World 9-ball at 8-ball king na si Souquet ang premyong $5,000 at napanatili ang kanyang dominasyon kay Biado.
Dalawang beses tinalo ni Souquet si Biado sa magkatulad na 9-8 decision sa Guinness 10-ball tour sa Jakarta at sa Philippine International Open 10-ball Championships sa Manila noong 2010.
“Luck played a part in my victory. Carlo is a very tough opponent and I really had a hard time beating him,” sabi ni Souquet, na tumalo rin kay World No.1 at World 8-ball Champion Dennis Orcollo, 9-6, sa PBB Face Off Series noong nakaraang Linggo.
- Latest
- Trending