B-Meg Llamados itinumba ang Alaska Aces

MANILA, Philippines - Gumawa ng career-high 22 points si rookie Mark Barroca, habang wa­long puntos ang ibinuhos ni James Yap sa ikalawang over­time para makuha ng B-Meg Llamados ang 92-89 panalo laban sa Alas­ka sa 37th PBA Philippine Cup ka­gabi sa Smart-Araneta Co­liseum.

Hindi naglaro sa tropa ni coach Tim Cone si Peter June Simon pero hindi nila na­ramdaman ang kanyang ka­walan dahil pinunuan ni Bar­roca ang nasabing slot ma­tapos ang kahanga-ha­ngang 10-of-14 shooting.

“Hindi ko expected na ga­nito ang ilalaro ko. Pero kahit na ilan ang ibigay na minuto sa akin ay ibibigay ko lagi ang 100 percent ko,” wika ni Barroca na naghatid lamang ng dalawang puntos sa huling laro ng ko­ponan laban sa Meralco na kanilang tinalo, 95-79.

Huling tikim ng kala­mangan ng Aces ay sa bus­lo ni Bonbon Custodio, 83-82, bago kumawala ng pabiting tira si Yap at isang baseline jumper si Barroca tungo sa 88-84 abante may 1:36 sa orasan.

May 24 puntos si Yap pa­ra pangunahan ang Lla­ma­dos na may tatlong su­nod na panalo tungo sa pagsalo sa Meralco sa ika­lima at anim na puwesto sa 5-4 karta.

“It’s a big character game for us having won a double overtime game against Alaska. We’re a little bit tired and a little bit sluggish but we kept on hangin in there,” wika ni Cone na may 2-0 karta na sa dating hi­nawakang koponan.

May 28 puntos si Tenorio pero inatake siya ng pulikat at di na nagamit sa ika­lawang overtime para lu­mamya ang laro ng Aces at nalaglag sa ikapitong ka­biguan sa walong laro.

Nagdagdag si Cyrus Ba­­guio ng 17 markers pa­ra sa Alaska.

B-Meg 92 - Yap J. 24, Barroca 22, Raymundo 14, Pingris 10, De Vance 9, Maierhofer 5, Urbiztondo 2, Ferriols 2, Reavis 2, Yap R. 2.

Alaska 89 - Tenorio 28, Baguio 17, Reyes 14, Thoss 13, Baracael 7, Custodio 4, Dela Cruz 4, Eman 2, Salamat 0, Sotto 0.

Quarterscores: 22-25; 34-35; 56-53; 73-73; 80-80 (1st OT); 92-89 (2nd OT).

Show comments