Pinoy national riders asam ang 2-3 gintong medalya

BEKASI, West Java, Indonesia —Pipilitin ng Filipino ri­ders na ma­kabawi mula sa kanilang malamyang kam­pan­ya sa La­os dalawang taon na ang nakakaraan sa pagsikad ng cy­cling competition sa 26th Asian Games dito.

“With our strong line-up, we are eyeing two to three golds in the road competitions,” wika ni head coach Ce­­­sar Lobramonte, sa track team na binubuo nina ve­te­ran Lloyd Lucien Reynante at 2009 Tour champion Mark Galedo.

Kakarera sina Galedo at Ronald Gorantes sa 50.7-kilometer men’s individual time trials sa matarik na Pe­manukan, Subang Road sa West Java, tatlong oras na biyahe mula sa Indonesian Capital ng Jakarta.

Magbabalik rin ang 2007 Thailand SEA Games gold me­dalist na si Marties Bitbit, ang nag-iisang Pinay na la­hok ng bansa sa women’s 24-km individual time trial, sa na­sabi ring course ngayong araw.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina George Oco­ner, anak ni dating Olympian Bert Oconer, at reserve na si Semico Buloso na makakasama nina Galedo, Go­rantes at Reynante sa team time trials na pepedal bukas.

Show comments