^

PSN Palaro

Herrera nagbulsa ng ginto sa steeplechase

- Ni BRMeraña -

PALEMBANG, Indonesia — Hindi naging maganda ang kampanya ng mga Pinoy athletes sa buong mag­hapon ma­tapos na hindi gumalaw ang nalikom na gin­tong me­dalya sa 26th Southeast Asian Games.

Huling tumugtog ang Pambansang awit sa Jakaba­ring Athletics Stadium nang ibigay ni Rene Herrera ang ika­apat na gold ng bansa noong Sabado ng gabi dito.

Inangkin ng reigning champion na si Herrera ang pa­nga­­lawang gold mula sa athletics nang matagumpay na mai­depensa ang kanyang koro­na sa men’s 3,000-meter steeplechase sa paglista ng wa­long mi­nuto at 52.23 se­gundo na sumilat sa pambato ng host team na si Mu­­hammad Al Quraisy (8:55.91) at Nguyen Dang Duc Bao ng Vietnam (8:57.88).

’Medyo nag-adjust ako kasi umulan at madulas ang track, pero nakontrol ko rin,” ani Herrera na inaalay ang kan­yang panalo sa kanilang pangulo na si Go Teng Kok.

Bukod kay Herrera, nauna ng nagsubi ng ginto ang Asian champion na si Marestella Torres sa pagwasak ng kanyang SEAG record mula sa paglundag niya ng 6.71-m sa women’s long jump event.

Ang iba pang gold medalist ng bansa ay sina Camille Ma­nalo (women's 62-kilogram) ang trio nina Camille Alarilla, Janice Lagman at Rani Ann Ortega (women’s poomsae) sa taekwondo competition.

AL QURAISY

ATHLETICS STADIUM

CAMILLE ALARILLA

CAMILLE MA

GO TENG KOK

HERRERA

JANICE LAGMAN

MARESTELLA TORRES

NGUYEN DANG DUC BAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with