LAS VEGAS - Dalawang Filipino at isang Fil-American rin ang nagwagi sa kani-kanilang mga laban sa undercard ng Pacquiao-Marquez III.
Pinabagsak ni Dennis Laurente (41-4-5, 22 KOs) ng Palompon, Leyte si Ayi Bruce (20-5, 12 KOs) ng Ghana sa round seven mula sa kanyang straight left sa kanilang eight-round, non-title welterweight fight.
Naging agresibo si Laurente sa kabuuan ng kanilang suntukan hanggang mapatulog si Bruce sa seventh round kung saan itinigil na ni referee Robert Byrd ang laban may 57 segundo rito.
Si Bruce ay hindi man lamang nakaporma laban sa Filpino fighter.
Binigo ni Fernando Lumacad (25-3-3) ng General Santos City si Joseph Rios (10-6-2) via unanimous decision mula sa kanyang 77-73, 77-74 at 78-72 points sa mga judges.
Isang one-sided unanimous decision naman ang nakuha ni Fil-Am Jose Benavidez Jr. (14-0-0, 12 KOs) laban kay Samuel Santana (4-5-0) sa kanilang non-title bout.