^

PSN Palaro

Laurente, Lumacad, Buenavidez nanalo rin

-

LAS VEGAS - Dalawang Filipino at isang Fil-American rin ang nagwagi sa kani-kanilang mga laban sa undercard ng Pacquiao-Marquez III.

Pinabagsak ni Dennis Laurente (41-4-5, 22 KOs) ng Palompon, Leyte si Ayi Bruce (20-5, 12 KOs) ng Ghana sa round seven mula sa kanyang straight left sa kanilang eight-round, non-title welterweight fight.

Naging agresibo si Lau­rente sa kabuuan ng ka­nilang suntukan hanggang mapatulog si Bruce sa seventh round kung saan iti­nigil na ni referee Robert Byrd ang laban may 57 se­gundo rito.

Si Bruce ay hindi man lamang nakaporma laban sa Filpino fighter.

Binigo ni Fernando Lumacad (25-3-3) ng General Santos City si Joseph Rios (10-6-2) via unanimous decision mula sa kanyang 77-73, 77-74 at 78-72 points sa mga judges.

Isang one-sided unanimous decision naman ang nakuha ni Fil-Am Jose Benavidez Jr. (14-0-0, 12 KOs) laban kay Samuel Santana (4-5-0) sa kanilang non-title bout.

vuukle comment

AYI BRUCE

BINIGO

DALAWANG FILIPINO

DENNIS LAURENTE

FERNANDO LUMACAD

FIL-AM JOSE BENAVIDEZ JR.

GENERAL SANTOS CITY

JOSEPH RIOS

ROBERT BYRD

SAMUEL SANTANA

SI BRUCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with