Magkapatid na lifters kumuha ng gintong medalya
DUMAGUETE City, Philippines – Ang mga apo ng isang dating national athlete ang kumuha ng gold medals, habang apat ang inangkin ng mga pambato ng Bohol at Cebu City sa Batang Pinoy 2011 Visayas qualifying leg dito.
Nagtala ang magkapatid na sina Elien Rose at Elie Perez Jr. ng Bohol ng mga bagong personal records sa kani-kanilang events.
Binasag ni Elien Rose, anak ni dating national weightlifter Ramon Perez, ang kanyang best record na 35 kilograms para burahin ang luma niyang 45 kgs sa snatch kasunod ang paglilista ng bago rin niyang personal best na 58 kgs sa clean and jerk para sa kabuuang103 kgs.
“Inspirasyon ko po kasi si papa,” sabi ng 13-anyos na si Elien Rose, isang first year student mula sa Dr. Cecilio Putong National High School at pamangkin ni Bohol coach at dating1988 Seoul Olympian Samuel Alegada.
Si Elien Rose ang kumuha ng gold medal sa nakaraang POC-PSC National Games for Youth 40kg at silver naman sa 2009 National Open.
Ang kanyang 14-anyos na kapatid na si Elie Jr. ang namayani sa 50-kg category kung saan niya binura ang dati niyang record na 40 kilos para sa bago niyang 50 kilos sa snatch kasunod ang pagtatala ng bagong marka sa buhat na 65 kilos sa clean and jerk para sa kabuuang 115 kilos.
Ang iba pang mga gold medal winners ay sina Angelika Lara sa girls' 36 kg category; Princess Gale Tirol sa girls' 40kg; Marife Catingub, apo ni dating national weightlifting coach Danny Catingub, sa girls' 48kg at Evangelito Dale Ceniza Jr. sa boys' 42kg na nagbigay sa Cebu City ng pang apat nitong gintong medalya
Ang dalawang gold medal ng Bohol ay nagmula kina Febie Mea Moral (girls' +48 kg) at Daryl Coto (boys' 46 kg).
Si Neil Josam Aquino ang nag-alay ng ikalawang ginto ng host Dumaguete sa kanyang panalo sa 56-kg category.
Sa wrestling, walong ginto ang kinuha ng Dumaguete galing kina Alex John Noble (32-35 kg category), Rodel Gonzaga (35kg), Spencer Flores (38kg), Daryl Victorino (42kg), Darwin Victorino (47kg), Kenneth Zamora (59kg), Khen Marcadera (60kg) at Angelica Teves sa 39-42 kg class.
- Latest
- Trending