Palembang – Kagaya ng inaaasahan, nagdeliber agad ang poomsae team sa larangan ng taekwondo nang makasungkit na ng isang ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa pagbubukas ng aksyon sa Popki Sports Hall, Cibubur.
Napanatili nina Rani Ann Ortega, Francesca Camille Alarilla at Maria Carla Janice Lagman ang gintong medalya sa women’s poomsae na hinawakan na noong 2009 Laos edisyon nang talunin ang lahok ng Vietnam.
Dalawang bansa lamang ang nagtagisan sa event at ang mga naggagandahan at mahuhusay na jins ng Pilipinas ay kabuuang 8.26 puntos kumpara sa 8.21 marka na iginawa sa Vietnamese jins.
Sinandalan naman ang husay ni Vidal Marvin Gabriel para magkaroon pa ng isang pilak at bronze medal ang Pilipinas sa martial arts sport na ito.
Nagbunga ang pakikipagtambal ni Gabriel kay Shaneen Ched Sia nang manalo ng pilak sa mixed pair sa 8.02 puntos habang si Gabriel ay umani ng bronze sa men’s individual tangan ang 7.67 puntos.
Ang lahok ng host na si Daniel Danny Harso ang kumuha ng ginto sa men’s individual sa 8.22 puntos, habang sina Dinh Toan Nguyen at Minh Tu Nguyen ng Vietnam ang nanaig sa mixed pair sa 8.13 puntos.
Ang malakas na pagsikad ng mga jins ay nagpapatatag sa hangarin ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na makapag-uwi ng apat na ginto sa kompetisyon.
“We’re still targeting to match our production four years ago in Thailand. But it will be more difficult considering the preparations of other teams,” wika ni coach Wilfredo Vizcayno, Jr
Hindi magiging hadlang ang kakulangan ng exposures para hindi makapaghatid ng karangalan ang national fencers sa 26th SEA Games.
Katunayan, kumpiyansa ang delegasyon na mauulit nila ang apat na gintong medalya na napanalunan noong 2007 sa Thailand.
Noong 2007 huling naisama ang fencing dahil tinanggal ang event sa Laos noong 2009.