^

PSN Palaro

1 gold, 1 silver at 1 bronze medal mula sa women's poomsae team

- Ni BRMeraña -

Palembang – Kagaya ng inaaasahan, nagdeliber agad ang poomsae team sa larangan ng taekwondo nang makasungkit na ng isang ginto, isang pilak at isang tan­song medalya sa pagbubukas ng aksyon sa Popki Sports Hall, Cibubur.

Napanatili nina Rani Ann Ortega, Francesca Camille Ala­rilla at Maria Carla Janice Lagman ang gintong me­dalya sa women’s poomsae na hinawakan na noong 2009 Laos edisyon nang talunin ang lahok ng Vietnam.

Dalawang bansa lamang ang nagtagisan sa event at ang mga naggagandahan at mahuhusay na jins ng Pi­lipinas ay kabuuang 8.26 puntos kumpara sa 8.21 mar­ka na iginawa sa Vietnamese jins.

Sinandalan naman ang husay ni Vidal Marvin Gabriel pa­ra magkaroon pa ng isang pilak at bronze medal ang Pi­lipinas sa martial arts sport na ito.

Nagbunga ang pakikipagtambal ni Gabriel kay Shaneen Ched Sia nang manalo ng pilak sa mixed pair sa 8.02 puntos habang si Gabriel ay umani ng bronze sa men’s individual tangan ang 7.67 puntos.

Ang lahok ng host na si Daniel Danny Harso ang ku­­muha ng ginto sa men’s individual sa 8.22 puntos, ha­bang sina Dinh Toan Nguyen at Minh Tu Nguyen ng Viet­nam ang nanaig sa mixed pair sa 8.13 puntos.

Ang malakas na pagsikad ng mga jins ay nagpapata­tag sa hangarin ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na makapag-uwi ng apat na ginto sa kompetisyon.

“We’re still targeting to match our production four years ago in Thailand. But it will be more difficult considering the preparations of other teams,” wika ni coach Wil­fredo Vizcayno, Jr

Hindi magiging hadlang ang kakulangan ng expo­sures para hindi makapaghatid ng karangalan ang na­tional fencers sa 26th SEA Games.

Katunayan, kumpiyansa ang delegasyon na mauulit ni­la ang apat na gintong medalya na napanalunan noong 2007 sa Thailand.

 Noong 2007 huling naisama ang fencing dahil ti­nanggal ang event sa Laos noong 2009.

vuukle comment

DANIEL DANNY HARSO

DINH TOAN NGUYEN

FRANCESCA CAMILLE ALA

MARIA CARLA JANICE LAGMAN

MINH TU NGUYEN

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

POPKI SPORTS HALL

RANI ANN ORTEGA

SHANEEN CHED SIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with