Kung manalo si Manny, si Floyd ang isusunod niya

LAS VEGAS --- Sakaling talunin ni Man­ny Pacquiao si Juan Manuel Marquez ay posibleng matuloy na ang inaabangan ni­lang megafight ni Floyd Mayweather, Jr. sa 2012.

Ito ang siyang paniniwala ni Oscar Dela Ho­­ya ng Golden Boy Promotions.

Nauna nang inihayag ni Mayweather, may perpektong 42-0-0 win-loss-draw ring record kasama ng 26 KOs, na gusto ni­yang labanan ang isang ‘little fella’ na ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions ay si Erik Morales.

Ngunit tiniyak ni Dela Hoya na si Pac­quiao ang tinutukoy ni Mayweather at hin­di si Morales.

"I believe if he gets past Marquez, May­weather already has his date set for May 5 and he gave orders for the biggest fight out there. It is no secret that fight is Man­ny Pacquiao," wika pa ni Dela Hoya sa plano ni Mayweather.

Show comments