1st Handy Fix Super League National Finals ngayon

MANILA, Philippines - Hahataw ngayon ang Na­tional Finals ng 1st Han­dy Fix Super League National Ba­rangay Championship sa Capitol Pa­rish Gym sa Cebu City.

Haharapin ng Barangay Agdao, ang kinatawan ng Mindanao, ang Brgy. Dum­­log ng Talisay ngayong alas-2:30 ng ha­pon kasunod ang laro ng Brgy. Pajo ng La­pu-Lapu City at Brgy. Ba­gumbayan ng Ta­guig City sa alas-4:30.

Ang dalawang kopo­nang mananalo ay mag-a­a­gawan para sa korona bu­kas, ha­bang ang mga ma­tatalo ay maglalaban pa­­ra sa third place trophy.

Ang torneo ay inihahan­dog ng Sapal Elas­tic Sea­lant, Max! Bond Super Glue, Max! Masking Ta­pe, Max! Electrical Tape, Me­­tal Guard, Red Brake Fluid, Maxweld, Build­rite Cons­truction Chemicals at Unilab.

Ang national champion ay tatanggap ng P25,000, habang ang 1st run­nerup ay bi­­bigyan ng P15,000. Ang 2nd run­nerup ay mag­bubulsa ng P10,000, sa­mantalang ang 3rd run­ner­up ay makakakuha ng P5,000.

Show comments