^

PSN Palaro

Kakasa na ang mga pinoy tracksters

- Ni Beth Repizo- Merana -

PALEMBANG –-- Bu­buk­san ni Rene Herrera ang asam na maningning na kampanya ng bansa sa pag­sisimula ng track and field event dito sa Jakaba­ring Sports City.

Si Herrera ang isa sa pi­tong gold medalist ng ath­letics sa 2009 Laos SEA Games na kasama sa dele­gasyon at magtatangkang ipag­patuloy ang magandang laban mula sa atleta ng PATAFA na pinamumu­nuan ni Go Teng Kok.

Pakay ni Herrera ang ika-limang SEAG gold me­dal sa paboritong event dahil ha­ri siya sa steeplechase mu­la pa noong 2003 SEA Games sa Ha­noi, Vietnam.

Ang iba pang lalaban sa gintong medalya sa unang araw ng kompetisyon ay si­na Henry Dagmil at Benig­no Marayag sa men’s long jump, Eliezer Sunang sa men’s shotput at Rosale Ser­mona sa women’s hammer throw.

Sina Julius Nierras at Ar­chand Christian Bagsit ay ta­takbo sa heats ng 400-meter run.

“Excited kami this year da­hil bukod sa malalakas pa ang mga beterano namin, may mga batang atleta na isi­nama namin na puwedeng manalo ng medalya. Isa na si Sunang at Mara­yag. I hope we can retain all the seven gold medals we won in 2009 and come up with some surprises in other events,” wika ni Go na nasa Pa­lembang upang personal na suportahan ang kanyang man­lalaro.

Sina Arniel Ferrera, Da­nilo Fresnido at Josie Villarito ng javelin throw, Marestella Tor­res ng long jump at Edu­ar­do Buenavista at Jho-An Ba­nayag sa marathon ang iba pang Laos gold medalist na kasapi sa koponan.

vuukle comment

CHRISTIAN BAGSIT

ELIEZER SUNANG

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

JHO-AN BA

JOSIE VILLARITO

MARESTELLA TOR

RENE HERRERA

ROSALE SER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with