MANILA, Philippines - Malalaman ang tikas ng mga maagang nagpapasikat na koponan sa kanilang pagsalang sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa Arellano University Gym.
Ipaparada ng Blackwater ang 3-0 baraha sa pagbangga sa Freego Jeans ngayong alas-4 ng hapon matapos naman ang tagisan ng Cebuana-Lhuillier at RnW Pacific Pipes sa alas-2.
“It will be a test of character for us. Freego Jeans is a team that plays aggressive and with a lot of energy and this will enable us to determine our strength as a team,” wika ni Blackwater Elite coach Leo Isaac.
Sina Jeric Fortuna, Clark Bautista at Isiah Ciriacruz, nagtuwang sa 92-86 panalo ng Blackwater sa Café France kamakalawa, ang babandera sa Elite laban kina Lester Alvarez, Eric Camson at Janus Lozada ng Freego Jeans (2-0).
Ibabandera naman ng Gems ang kanilang 3-0 rekord laban sa Steelersm, nanalo sa DUB Unlimited, 78-77.
“This is a morale booster for the players and I hope we will be able to sustain our performance for our next game,” wika ni Freego Jeans’ mentor Topex Robinson.
Mangunguna naman sa Cebuana-Lhuillier sina Kevin Alas, Vic Manuel at Marvin Hayes.