^

PSN Palaro

Garcia kumpiyansa sa kakayahan ng mga atleta

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mataas pa rin ang tiwala ni PSC chairman Ricardo Gar­cia sa ipapakita ng delegasyon na lalaban sa 26th SEA Games sa Indonesia kahit natalo ang under-23 men’s football team.

“The athletes remain in high spirits despite the bad news,” wika ni Garcia kahapon sa PSA Forum sa Sha­key’s UN Avenue.

Ang ‘bad news’ ay ang 0-2 karta na tangan ngayon ng under-23 men’s football team dahilan upang malagay sa peligro ang hangaring makaabante sa semifinals ng foot­ball event.

Lumagapak ang koponang binubuo ng mga Fil-foreign players sa Timor Leste, 2-1, matapos lasapin ang 3-1 kabiguan sa Vietnam.

“Hindi naman kulang ang talento ng mga players na­tin. Pero ang mga kalaban ay naglalaro na sa loob ng mahabang panahon. Makikita mo ito sa kanilang team work, habang nangangapa naman ang players na­­­tin,” ani Garcia sa Young Azkals.

Pero, hindi naman nasisira ang kanyang loob sa pa­niniwalang mahihigitan ng Pilipinas ang pang limang pu­westong pagtatapos sa 2009 SEA Games sa Laos at buo pa rin ang inaasahang 70 hanggang 80 gintong me­dalya sa 26th SEA Games na lalaruin sa Palembang, Ja­karta at West Java.

Tinuran ni Garcia ang husay ng mga Filipino athletes sa larangan ng boxing, taekwondo, billiards, athletics, swim­ming, chess, judo, tennis at cycling.

 “With all these sports events, I guess we are on target as far as winning gold medals is concern,” ani Garcia.

vuukle comment

GARCIA

LUMAGAPAK

MAKIKITA

MATAAS

PERO

RICARDO GAR

SHY

TIMOR LESTE

WEST JAVA

YOUNG AZKALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with