^

PSN Palaro

Pagbabalik ng fencing sa SEAG, ikinatuwa ng Pinoy fencers

-

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng mga Filipino fencers ang pagbabalik ng fencing sa 26th SEA Games sa pag-asinta ng 12 gintong me­dalya.

Huling idinaos ang nasabing laro sa 2007 Thailand SEA Games at nalagay ang inilahok ng Pilipinas sa ikalawang puwesto sa host country sa overall championship.

Bago ito ay hari ang Pilipinas sa nasabing event mula 1990 hanggang 2005 sa Manila.

Nawala ang fencing sa 2009 Laos edisyon dahil sa kawalan ng pasilidad ng host country.

Mangunguna sa laban ng Pilipinas ang mga beteranong sina Emerson Segui, Ramil Endriano at Walbert Mendoza.

Si Segui ang nagdedepensang kampeon sa individual foil at makikipagtulungan kina Endriano, Rolando Canlas at Mark Atienza sa team foil.

Mangunguna naman si Mendoza, isang double gold medalist ng SEAG, sina Gian Nocom, Edmon Velez at Eric Brando sa sabre habang sina Almario Vizcayno, Avelino Victorino, Armando Bernal ast Joshua Paunil ang ilalaban sa epee.

Ang women’s team ay bubuuin nina Veena Nuestro, Dinah Remolacio, Jamie Nicanor at Mia Howell sa foil; Michelle Bruzola, Harlene Orendain, Ma. Del Carmen Galvez at Christine Almas sa epee at sina Joanna Franquelli, Lenita Reyes Otadoy at Julyn Nicanor sa sabre event.

Matatag ang loob ng fencing team dahil sa pagkakaroon ng mga foreign coaches na sina Wang Qing (sabre) at Zhang Lijun (epee) para tulungan ang mga local coaches na sina Venerando Garcia, Walter Torres at Wilfredo Vizcayno.

Si Nell Belgado ang tatayong team manager.

ALMARIO VIZCAYNO

ARMANDO BERNAL

AVELINO VICTORINO

CHRISTINE ALMAS

DEL CARMEN GALVEZ

DINAH REMOLACIO

EDMON VELEZ

EMERSON SEGUI

ERIC BRANDO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with