Jakarta — Nakatakdang harapin ng Young Azkals ang Timor Leste sa Group B ngayong hapon sa 26th Southeast Asian Games football competitions dito.
Natalo ang Young Azkals sa Vietnam, 1-3, noong Nobyembre 3 sa pagbubukas ng 2011 SEA Games.
Nanaig naman ang Timor Leste sa Brunei Darussalam, 2-1.
Umiskor ang Myanmar ng isang scoreless draw laban sa Vietnam.
Kabilang naman sa Group A ang defending champion Malaysia, Thailand, Singapore, Indonesia at Cambodia.
“We will take it day by day,” sabi ni Weiss.
Matapos ang Timor Leste, makakatapat ng Young Azkals ang Myanmar sa Nobyembre 13.