^

PSN Palaro

Weiss napabilib sa depensa ni Muller vs Vietnam

-

JAKARTA-Kung naiko­nekta lamang nila ang ka­nilang mga sipa, tiyak na hindi lamang 3-1 ang kanilang naging panalo laban sa Young Azkals sa pagsisimula ng football event ng 26th Southeast Asian Games noong Hu­we­bes.

Kaya naman gigil na gigil ang mga Vietnamese football players sa kabila ng naturang panalo laban sa mga Young Azkals ni German coch Michael Weiss.

“I thank everyone, my fellow German coach Fal- ko Gerd Gotz more so Vietnam for missing ma ny, many opportunities to score. And I am very proud of our goalkeeper, Muller, who played a fantastic game today,” sabi ni Weiss kay goal keeper Roland Richard Muller.

Si Muller ang siyang dumepensa laban sa mga sipa ng Vietnam.

Si Fil-German Manuel Ott naman ang siyang umiskor sa laro para sa Young Azkals sa 40th mi­­nute sa first half.

Nakatabla ang Vietnam sa likod ni Nguyen Trong Hoang sa 60th minute sa second half kasunod ang goal ni Lee Hong Thien sa 74th minute at ang iskor ni Nguyen Van Quyet.

Ang jet lag sa kanyang mga football players ang idinahilan ni Weiss sa ka­nilang pagkatalo sa Viet- nam.

“We have four games to play and we will take it day by day. We will put this game behind us,” sabi ni Weiss.

Susunod na makakatapat ng Young Azkals ang Timor Leste bukas.

Makakalaban rin ng Young Azkals sa Group B ang Laos sa Nobyembre 11, ang Myanmar sa Nob- yembre 13 at ang Brunei Darussalam sa Nobyembre 15. Nasa Group A ang defending champion Ma- laysia, Indonesia, Singapo- re at Thailand.

BRUNEI DARUSSALAM

GERD GOTZ

GROUP B

LEE HONG THIEN

MICHAEL WEISS

NASA GROUP A

NGUYEN TRONG HOANG

NGUYEN VAN QUYET

WEISS

YOUNG AZKALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with