Yeo bida sa panalo ng Petron; TNT magpapalakas naman

MANILA, Philippines - Humugot si Joseph Yeo ng 11 sa kanyang game-high 27 points sa final canto upang tulungan ang Petron Blaze sa 86-80 paggupo sa Alaska sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kagabi sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Nagdagdag si Yeo ng 9 rebounds at 4 assists para sa 4-3 rekord ng Boosters.

Samantala, mula sa isang linggong team building sa Baguio Ci­ty, sasagupain ng nagde­depensang Talk ‘N Text ang Barangay Ginebra nga­yong alas-6:30 ng gabi sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtatagpo naman ang Barako Bull at Powerade.

Nanggaling ang Tropang Texters sa 96-86 panalo laban sa Petron Blaze Boosters noong Oktubre 28, habang nakalasap naman ang Gin Kings ng isang 87-93 kabiguan sa Meralco Bolts noong nakaraang Biyernes.

“Hopefully, we can ma­ke another run this season,” sabi ni coach Chot Reyes, iginiya ang PLDT franchise sa kampeonato ng nakaraang PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup ba­­go natalo sa Petron sa cham­pionship series ng Go­vernors Cup.

Tangan pa rin ng Rain or Shine ang liderato sa ka­nilang 6-1 baraha sa ita­as ng Talk ‘N Text (4-1), Ba­rako Bull (4-2), Meralco (5-3), Barangay Ginebra (3-3), Petron Blaze (4-3), B-Meg (3-4), Alaska (1-6) at Sho­pinas.com (0-7).

Sina PBA Most Valuable Players Kelly Williams at Jimmy Alapag ang mu­ling babandera sa Tropang Texters katuwang sina Harvey Carey, Jayson Castro at Ranidel De Ocampo.

Sa unang laro, asam na­­­man ng Tigers na ma­dup­li­ka ang kanilang 108-94 paggupo sa Boosters sa pa­kikipagharap sa Energy.

Nakalasap ang Barako Bull ng isang 72-93 pag­ka­talo sa Alaska noong Nob­yembre 2 na pumigil sa ka­nilang three-game winning streak.

Sa naturang pananaig sa Petron, kumamada si Ga­ry David ng game-high 42 points para banderahan ang Powerade, muling aasa rin kina No. 1 overall pick JV Casio, Fil-Am roo­kie Marcio Lassiter, Doug Kra­mer at Sean Anthony.

Show comments