^

PSN Palaro

Handa na ako - Pacquiao

- Abac Cordero -

LOS ANGELES--Sa ma­liit na closet, ang dres­sing room ng Wild Card Gym, hindi na maitago ng superstar ng boxing ang kanyang kasabikan sa laban.

“I’m excited. Nakapanggigigil na,” sabi ni Manny Pacquiao, isang linggo bago ang kanilang pangatlong banggaan nila ni Juan Manuel Marquez.

Muli na namang tinapos ng Filipino icon ang isang sesyon sa boxing gym kung saan niya iniwan ang ilang reporter sa loob ng dressing room.

Binanggit ni Pacquiao ang kanilang laban ni Marquez sa MGM Grand sa Las Vegas sa Nobyembre 13.

Saglit na napangiti naman si Pacquiao nang du­malo sa Jimmy Kimmel Show kung saan niya kinanta ang “How Deep is Your Love.”

Ngunit biglang nagba­go ang usapan.

“Freddie (Roach) said he wants you to knock Marquez out,” sabi ng isang reporter kay Pacquiao.

 “I can’t say. Basta rea­dy tayo for the fight,” sagot ni Pacquiao.

Gaano nga ba siya kahanda?

“They didn’t let me work on the skipping ropes today. And just one round with the speed ball,” sabi ni Pacquiao, may tunog ng panghihinayang dahil gusto pa niyang magtagal sa boxing gym

“They’re pulling the ro­pes on me. Lagi kaming nagtatalo dito,” dagdag pa niya.

Alam ni trainer Freddie Roach ang kanyang ginagawa at noong isang araw ay binigyan niya si Pacquiao ng dayoff para maipahinga ang katawan nito.

Tinanong si Pacquiao kung ano ang pagkakaiba ng kanilang unang dalawang laban ni Marquez.

Noong 2004, isang con­tro­versial draw ang nakuha ni Marquez at noong 2008 ay nanalo naman si Pacquiao sa kanilang rematch.

Tatlong beses napa­bag­sak ni Pacquiao si Marquez sa kanilang unang laban at isang beses naman sa kanilang rematch.

“Iba kasi noon eh,” sabi pa ni Pacquiao. 

“I was reduced at 130 pounds then. This time, I can eat all I want,” dagdag pa ni Pacquiao, nilabanan si Marquez sa 126 lbs no­ong 2004 at sa 130 lbs no­ong 2008.

“For the weigh-in, it will de­pend. If I’m under the li­mit, maybe I would have to eat before that,” ani pa ni Pacman.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

HOW DEEP

IF I

JIMMY KIMMEL SHOW

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with