MANILA, Philippines - Pinuri ni Nelson Chan, pangulo ng Freego Jeans, ang tagumpay na naitala ng San Beda sa seniors at juniors basketball sa 87th NCAA.
Tinuran niya ang pagsusumigasig ng mga manlalaro ng koponan na maging mahusay upang mapagtagumpayan ang asam na karangalan para sa kanilang paaralan.
“Just as we (Freego) try to excel in our own trade, the Red Lions and Red Cubs are likewise doing their utmost best to excel inside the basketball court. We salute them for their courageous effort to live up to their school’s creed,” wika ni Chan na alumnus din ng paaralan.
Ang Freego ay isa mga masugid na tumutulong sa pangangailangan ng koponan at sila ang nagtatahi ng uniporme ng San Beda.
Nananalig din si Chan na magpapatuloy ang pagpayag ng San Beda na maging ka-partner sa mga susunod pang mga taon lalo nga’t nakikita niya na lalawig pa ang tagumpay na tinatamasa ng Red Lions at Red Cubs.
Maliban sa San Beda ay sumusuporta rin ang Freego sa Adamson men’s basketball, Philippine wushu team at sa Tiong Lian basketball league. May koponan din ang Freego sa PBA D-League.
“It’s our own little way of helping Philippine sports, particularly youth basketball. Our involvement in sports has been rewarding, so we’re giving back to the youth whatever we have gained,” dagdag pa ni Chan.