^

PSN Palaro

19th title sa red cubs

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumuhos ang puntos para sa San Beda sa pani­mula ng ikatlong yugto tu­ngo sa 69-61 panalo sa CSB-La Salle Greenhills at hiranging kampeon sa 87th NCAA juniors basketball na pinaglabanan kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulung-tulong sa second half sina Francis Abarcar, Daryl Nazareno, Limuel Patenio at Van Adam Abatayo para makahulagpos sa dikitang first half na kung saan angat lamang ang Red Cubs ng tatlong puntos, 29-26.

Ang panalo ay nag­resulta para sa double championships ng San Be­da sa larangan ng basketball matapos mangibabaw ang Red Lions sa seniors division.

Pero mas makulay ang panalong ito ng Cubs dahil sila na ang may hawak ng pinakamaraming juniors title sa pinakamatandang collegiate league na 19.

“Masarap ang pakiramdam dahil nagawa namin ang aming goal kahit siyam sa mga players ko from last year ay nag-graduate na,” wika ni Cubs coach Brit Reroma.

Si Abarcar ay nagtapos taglay ang 18 puntos at kalahati rito ay ginawa sa huling yugto para mapa­natili ang momentum na kinuha ng koponan sa ikatlong yugto.

Dahil sa solidong pag­lalaro sa Finals, hinirang din ang 17-anyos tubong Laguna na si Abarcar bilang Finals MVP.

Si Daryl Nazareno ay nagdagdag ng 10 puntos habang sina Abatayo at Petino ay nagsanib sa 13 puntos para sa Cubs na naitala ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 15 puntos, 62-47, may 4:30 sa orasan.

May 25 puntos si Tho­mas Torres pero siya lamang ang nag-init sa opensa ng Greenies upang mabigo ang koponan sa hangaring masungkit ang kauna-unahang juniors title sa NCAA.

BRIT REROMA

DARYL NAZARENO

FRANCIS ABARCAR

LA SALLE GREENHILLS

LIMUEL PATENIO

PUNTOS

RED CUBS

RED LIONS

SAN BE

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with