4 ginto sa Pinoy riders sa 26th SEA Games--Juico

MANILA, Philippines - Naniniwala si Dr. Philip Juico sa husay ng mga Fi­lipino athletes kaya’t kumbinsido siyang ka­yang makapag-uwi ng tatlo hang­gang apat na gintong medalya ang ilalabang cycling team sa 26th SEA Games sa Indonesia.

Hinarap ni Juico, pa­ngulo ng isang grupo ng cycling association sa bansa, ang siyam na siklista at da­lawang coaches sa kanyang tanggapan sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City kahapon at hinimok na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para magta­gumpay sa Indonesia.

“We are hopeful because of this unified stand that set aside all dysfunctional events in the past and put together one team for the country,” wika ni Juico na nakikipagtagisan kay Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino na pa­ngulo ng PhilCycling.

Naisaayos ang problema sa liderato sa cycling matapos magkasundo sina Juico at Tolentino na isailalim sa caretaker ang pool ng siklista at ang huli na kinikilala ng international body UCI ay pumayag na bigyan ng UCI licenses ang mga mapipili para sa SEAG.

May 18 siklista kasama ang 2 babaeng manla­laro ang bubuo sa cycling team na lalahok sa road, track, mountain bike at BMX events.

 Si 2005 Manila at 2007 Thailand SEA Games gold medalist sa 4km individual pursuit Alfie Catalan ang nanguna sa mga siklistang dumalo na kinabilanganan din nina Jan Paul Morales, Eusebio Quinones, Arnold Marcelo, Alvin Benosa at 18-anyos John Mier.

Ang mga coaches na kasama sa pagtitipon ay sina Carlo Jazul at Virgilio Espiritu. Ang iba pang kasapi ng pambansang koponan ay sina Joey Barba, Mark Guevarra Galedo, Norberto Oconer, Ronald Gorrantes, Jemico Brioso, Lloyd Reynante, Daniel Patrick Manabat at Alexis Mendoza Vergara sa kalalakihan at sina Marites Bitbit at April Eppinger sa kababaihan.  

Show comments