Mabigat na laban susuungin ni Alcala sa World Jrs. C'ships

MANILA, Philippines - Makakaharap agad ni Malvinne Ann Alcala si fifth seed Sonia Su Ya Cheah ng Malaysia sa pagbubu­kas ng World Juniors Cham­pionships ngayong gabi sa Chinese, Taipei.

May 128 manlalaro ang kasali sa torneong bukas para sa mga U-19 age group at ang 16-anyos na si Alcala ay kagagaling lamang sa pagkapanalo sa U-19 at Open singles titles sa PBaRS’ VP Binay Cup Badminton Championships.

Ang laro nila ni Cheah ay itinakda sa alas-6:55 ng gabi at inaasahang makakapagbigay ng magandang laban si Alcala na isa sa apat na manlalaro na ipinadala ng Philippine Badminton Association (PBA) na pinangungunahan ni VP Jejomar Binay.

Si Janelle deVera na isang quarterfinalist sa girls U-19 sa Binay Cup ay makakalaro si Emily Westwood ng England sa ganap na ika-10:45 ng umaga.

Babalik si De Vera sa aksyon dakong ala-1:05 ng hapon at makikipagtambal kay Kevin Cudiamat sa mixed doubles laban kina Asraf Ishak at Wei Han Tan ng Singapore.

Show comments