La Salle mapapasabak agad sa UST sa UAAP baseball

MANILA, Philippines - Magsisimula sa Nob­yem­bre 27 ang aksyon sa second round ng UAAP sa pagbubukas ng baseball sa Rizal Memorial Field.

Ang UST na nagdedepensang kampeon at inaasinta ang ika-25th titulo sa team sport na ito ay makakalaban ang La Salle sa unang bakbakan sa ganap na alas-8 ng umaga.

Isang simpleng ope­ning ceremony muna ang mangyayari sa anim na ko­ponang torneo sa ganap na alas-7 ng umaga.              

Ang iba pang laro ay ka­tatampukan ng Ateneo at Adamson at UP laban sa National University.

Ang Adamson ay mag­ta­tangka na manumbalik sa pagiging champion team na naudlot noong na­karaang taon upang magwakas din ang three-peat titles mula 2007 hanggang 2009.

Samantala, ang softball ay magbubukas naman sa Nobyembre 30 sa Rizal Memorial diamond at ang unang laban ay sa pagi-tan ng nagdedepensang Adamson laban sa La Salle sa alas-9 ng umaga.

Ang UP ay sasagupa sa UST sa alas-11 ng tanghali bago sumampa sa field ang Ateneo at UE dakong ala-1 ng hapon.

Pakay ng Lady Falcons na siyang host ng baseball at softball na masungkit ang ikalawang sunod na titulo at pang-11 ng paaralan sapul noong 1997-98 season.

Ang iba pang sports na paglalabanan sa second se­mester ay sa football, vol­leyball, chess, tennis, fen­cing at athletics.

Matapos ang pitong sports at 14 events na pi­nag­labanan sa first semester, ang UST pa rin ang angat sa tagisan sa overall championship matapos makalikom ng 151 puntos.

Malayong nasa ikala­wa ang La Salle sa 139 kasunod ang host Ateneo sa 117, ang FEU sa 111, UP sa 105, UE sa 72, Adam­son sa 56 at NU sa 34 puntos.

Angat din ang UST sa tagisan sa juniors pero tatlong puntos lamang ang inilayo nila sa pumapanga­lawang UE, 65-62.

Show comments