Gold sa magkakapatid na Jalnaiz

MANILA, Philippines - Nagpakitang-gilas ang mga anak ni two-time Olym­pian Roberto Jalnaiz nang kunin ang dalawang ginto para pamunuan ang Misamis Oriental na naka­pagdomina sa boxing sa pagtatapos ng Mindanao qualifying leg ng Batang Pinoy 2011.

Tinalo ni Rafael Jalnaiz si Samuel Salve ng Gingo­og City sa minimumweight division (38kg) sa 11-2 iskor habang ang kapatid na si Roberto Miguel ay nanaig kay John Patrick Dinolan ng Island Garden City ng Samal, 14-5, sa paperweight division.

Sa kabuuan ay nanalo ng apat na ginto mula sa seven finalist ang MisOr para talunin ang Panabo City na nanalo ng tatlong ginto galing kina Raynald Lao na tinalo si Michael Codilla at Danniel Maamo na nangibabaw kay Mark Andy Austria ng Panabo City.

Pero sa Panabo nagmula ang Best Boxer ng torneong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa tulong ng Smart, Maynilad at Summit Nature Drink Water.

Si Jerson Fabricante ang lumabas bilang pina­kamahusay nang talu­nin si Elmer Pamisa sa minimum­weight division, na pamangkin ng Asian Games veteran at ka­pangalan na si Elmer Pamisa.

Hindi man nakaporma sa boxing ay nangibabaw naman ang host Zam­boanga sa ibang laro para kunin ang overall championship tangan ang 23 ginto, 27 pilak at 13 bronze medals.

Ang Davao City ang sumegunda sa 36-31-47 medal tally kasunod ng Dipolog City na may 31-37-25, General Santos City sa 28-10-9 at Davao Del Norte sa 28-8-7 medal count.

Ang mga nagsipanalo sa mga pinaglabanang events sa kompetisyong suportado ng Milo, Jolibee, The British Council, Standard Insurance at Negros Navigation-Super Ferry ay aabante sa National Finals na itinakda mula Disyembre 10-13 sa Naga City.

Sina Marietonie Allysha Ledesma at Ryan Kaith Regidor na nanalo ng tig-limang ginto sa swimming; Carlo Caong, Kimberly Dangil, JayR Catubay at Marvin Banoy na nanalo ng tig-tatlong ginto sa athletics ang mga mangunguna sa Mindanao sa National Finals.

Show comments