Corteza kampeon sa SMB Oktoberfest 9-Ball Open

MANILA, Philippines - Dinomina ng dating National Open champion na si Lee Van Corteza ang 2011 San Miguel Beer Oktoberfest Fes­tival 9-Ball Open Masters category na idinaos sa Resorts World Manila sa Pasay City noong Linggo ng gabi.

Tinalo ni Corteza ang world No. 1 at world 8-ball champion na si Dennis Orcollo, 11-8 sa Finals upang maibulsa ang top prize na P350,000 at SMB mug trophy. Nakuntento na­man ang dating two-time SMB 9-Ball Open champion na si Orcollo sa P100,000.

 Nakarating si Corteza, na ang paglahok sa nasabing tor­neo ay sinuportahan ng Energen at Kopiko, matapos si­bakin ang ex-world champion na si Francisco ‘Django’ Bustamante, 9-4 sa semifinals, habang umusad naman si Orcollo sa Finals nang maungusan ang Hall of Famer na si Efren ‘Bata’ Reyes.

“Turning point ko ‘yung pagsablay ni Dennis sa medyo delikadong shot na No. 8 ball sa 10th racks kaya nakalamang ako ng dalawang racks,” wika ni Corteza.

Show comments