Pacquiao vs Martinez sa 2012 posible - Roach
MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na magkrus ang landas nina pound for pound king Manny Pacquiao at Sergio Martinez sa 2012.
Ito ay matapos ihayag ni trainer Freddie Roach na si Martinez ang kanyang napipisil na kalaban ni Pacquiao kung hindi pa rin maseselyuhan ang pinapangarap na tagisan sa pagitan nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
"I want Mayweather next. Mayweather, quit hiding and sign the contracts!" tila hamon ni Roach sa walang talong si Mayweather.
Pero may plan B si Roach kung patuloy na iiwas ang kasalukuyang WBC welterweight champion at ang WBC Diamond middleweight champion na si Martinez ang kanyang nais na makasukatan ni Pacman na idedepensa naman ang WBO welterweight title sa Nobyembre 12 laban kay Mexican Juan Manuel Marquez.
Para mangyari ang tagisang Pacquiao-Martinez ay dapat na mapapayag ang huli na bumaba sa 150-pounds.
“I would put Pacquiao in front of Sergio Martinez at 150 pounds. I think Sergio is very athletic but he got exposed in his last fight. I don't think he is a good boxer,” dagdag pa ni Roach.
Ang 36-anyos na si Martinez ay 48 panalo sa 52 laban kasama ang 27 KO pero nakakita ng butas si Roach sa istilo ng middleweight champion nang hinarap si Darren Barker na natalo gamit ang 11th round knockout.
Payag naman si Martinez na labanan si Pacquiao kahit magsasakripisyo sa pagbaba ng timbang dahil nasa 159 pounds ito pumasok sa huling dalawang laban.
“Yes, we wil take that fight at 150 pounds and no, we will not be excessive in our financial demands,” pahayag ng promoter ni Martinez Lou Dibella sa panayam ng Boxingscene.
- Latest
- Trending