^

PSN Palaro

MVP susuportahan na rin ang PWA

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Wala ng dahilan pa para hindi maisakatuparan ng Philippine Weightlifting Association (PWA) ang hangaring tagumpay sa mga lalahukang malalaking kompetisyon.

Pinasok na rin ng MVP Sports Foundation ang weightlifting sa mga sports na kanilang susuportahan nang magkasundo si Pa­ngilinan at PWA president Monico Puentevella.

Maglalaan ng P1 mil­yong pondo ang foundation na hawak ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan taun-taon para ipantustos sa mga programa na ang layunin ay magtagumpay ang mga Filipino weightlifters sa mga malalaking kompetisyon.

Unang prayoridad ng PWA sa taong ito ay ang SEA Games at ang paglahok sa London Olympics qualifying event sa Paris, France mula Nobyembre 11 hanggang 20.

Si Hidilyn Diaz ang pambato ng Pilipinas sa Olympic qualifying at kung papalarin siyang masama ay maglalabas pa ng karagdagang pondo ang MVP Foundation para sa pre­parasyon sa London Olympics.

Pinasok ng MVP Sports Foundation ang weightlif­ting dahil sa pagkakaroon ng magandang resulta sa mga laro ni Diaz bukod pa sa ibang batang lifters tulad nina Patricia Llena at Nestor Colonia.

“I would like to thank Manny Pangilinan for his passion and commitment to Philippine Sports. His support to weightlifting will be an added inspiration for our athletes to pursue their dreams of winning me­dals in international tournaments including the Olympics,” wika ni Puentevella.

Ang weightlifting ang ikasiyam na sport na sakop ng MVP Foundation gamit ang kanilang programang GOAL! Pilipinas.

Ang iba pang tinutulu­ngan ng MVP Foundation ay ang football, basketball, boxing, cycling, taekwondo, badminton, tennis, at running.

LONDON OLYMPICS

MANNY PANGILINAN

MANNY V

MONICO PUENTEVELLA

NESTOR COLONIA

PATRICIA LLENA

PHILIPPINE SPORTS

PHILIPPINE WEIGHTLIFTING ASSOCIATION

PILIPINAS

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with