^

PSN Palaro

Aces nangisay sa Bolts

-

MANILA, Philippines - Hanggang sa huling minuto ay hindi pa natiyak ng Bolts ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Mula sa krusyal na turnover ni Cyrus Baguio sa huling 11.0 segundo, tinalo ng Meralco ang Alaska, 81-75, sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Umiskor si Chico La­nete ng 17 points para sa pangalawang dikit na rat­sada ng Bolts matapos gulantangin ang Petron Blaze Boosters, 80-70, noong Oktubre 23.

“We wanted to make sure that we build on our character,” sabi ni coach Ryan Gregorio.

May 4-2 baraha nga­yon ang Meralco sa ilalim ng Rain or Shine (4-1), nag­dedepensang Talk ‘N Text (3-1), Petron Blaze (3-1) at Barako Bull (3-1), kasunod ang Ginebra (3-2), B-Meg (2-3), Alaska (0-5) at Shopinas.com (0-5).

Kasalukuyan pang naglalaro ang Tropang Texters at Boosters habang isinusulat ito.

Mula sa 52-56 agwat sa third period, sumandig ang Bolts kina Lanete, Mac Cardona at Asi Taulava para sa kanilang 70-66 abante sa 6:06 ng fourth quarter.

Huling nakalapit ang Aces sa 75-76 sa 1:17 ng laro galing sa follow up ni Baguio. Matapos ang split ni Sol Mercado sa huling 58.2 segundo para sa 77-75 bentahe ng Meralco, nabigo naman ang Alaska sa kanilang opensa.

Isang turnover ni Baguio sa natitirang 11.0 segundo ang nagresulta sa dalawang freethrows ni Gabby Espinas para ilayo ang Bolts sa 79-75.

Meralco 81--Lanete 17, Isip 10, Cardona 10, Mercado 8, Espinas 8, Omolon 8, Macapagal 7, Borboran 4, Taulava 4, Ballesteros 3, Yee 2, Faundo 0.

Alaska 75--Thoss 19, Baguio 18, Reyes 11, Dela Cruz 8, Tenorio 7, Baracael 4, Custodio 4, Mepana 2, Cablay 2, Eman 0.

Quarterscores: 20-19; 36-36; 52-56; 81-75.

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

CHICO LA

CYRUS BAGUIO

DELA CRUZ

GABBY ESPINAS

MAC CARDONA

MERALCO

MULA

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with