^

PSN Palaro

Army, Vietnam nakauna

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagdomina sa net ang magkapatid na sina Michelle at Marietta Carolino upang sorpresahin ng Philippine Army ang bisitang Malaysia, 25-14, 25-18, 25-21, sa pag­bubukas ng V-League Invitational Club Championship sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nasayang ang pagpunta ng mga mahihilig sa volleyball dahil humataw sa tig-12 kills ang mga Carolinos habang si Mary Jean Balse ay gumawa ng 5 aces para katampukan ang magandang inilaro ng Troopers.

Ipinakita naman ng pa­bo­ritong Vietsovpetro ng Vietnam ang angking ba­ngis nang manaig sa straight sets laban sa Ateneo, 25-15, 25-16, 25-17, sa ikalawang laro.

Ang mga Russian imports na sina Ekaterina Martynova at Anactaxia Trernai ay nagsanib sa 22 kills habang ang local player Ngoan Thi Nguyen ay mayroong 11 spikes para sa nanalong koponan na sinaluhan ang Army sa liderato sa maig-sing torneo na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

 Sina Alyssa Valdez at Angeline Marie Gervacio ay tumapos taglay ang tig-11 hits pero wala silang nakuhang suporta sa ibang kasamahan para malaglag sa 0-1 baraha at makapantay ang Malaysia sa torneong may ayuda rin ang Accel at Mikasa.

May 15 puntos sa kabuuan si Michelle habang 13 at 11 ang ambag nina Marietta at Balse para sa Troopers na kinakitaan ng solidong pag-atake na ikina­taranta ng dayuhang kalaban upang makuha ang panalo matapos lamang ang 69 minutong paglalaro.

 Walang Malaysian pla­yer ang umiskor sa doble-pigura at si The Huei Hong ang nanguna sa kanyang koponan sa 9 hits kasama ang 8 kills.

Samantala, ang mga laro ay mapapanood sa live streaming sa www.v-league.ph.

vuukle comment

ANACTAXIA TRERNAI

ANGELINE MARIE GERVACIO

EKATERINA MARTYNOVA

HUEI HONG

MARIETTA CAROLINO

MARY JEAN BALSE

MICHELLE

NGOAN THI NGUYEN

PHILIPPINE ARMY

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with