SBC, UP tankers kampeon sa swimming
MANILA, Philippines - Walang nakapigil sa bangis ng San Beda habang sa huling event kumapit ang UP upang mapanatili ng dalawang koponan ang kampeonato sa pagtatapos kahapon ng swimming event sa 16th PSC-Philippine University Games na nilalaro sa Villareal Sports Complex, Roxas City, Capiz.
Tinapos ng NCAA MVP Wilfredo Sunglao Jr. ang dominanteng paglangoy nang manalo pa sa 200m free (2:05.40),100m butterfly (1:00.63) at 50m free (25.19), upang magkaroon ng kabuuang pitong ginto at ang Lions ay nagtapos taglay ang perpektong 16 ginto sa ganitong dami rin ng events.
May 12 pilak pa ang koponan para katampukan ang paghablot ng ikatlong sunod na titulo at pang-anim kasama ang pangingibabaw noong 2003, 2005 at 2007.
Ang UP ay sumandal sa lakas ng 4x100m freestyle relay na kung saan tinalo nila ang San Beda at mapanatili ang kampeonato sa kabuuang 8 ginto, 11 pilak at 5 bronze medals
Napalaban ang Lady Maroons na UAAP champion, sa San Beda ng maghatid pa ng tatlong ginto si Hannah Dato para magkatabla ang dalawa sa tig-pitong ginto papasok sa huling event.
May 7-2-2 medal count ang San Beda sa pangunguna ni Dato na may limang ginto.
- Latest
- Trending