MANILA, Philippines - Itinakda nina top seed Gelita Castilo ng Golden Shuttle Foundation at Malvinne Alcala ng Phl-Victor ang kanilang semifinal showdown sa ladies Open singles sa fouth leg ng VP Binay Grand Prix Badminton Open Championships-PBaRS kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.
Tinalo ni Castilo si Elaine Malelang, 21-14, 21-10, habang iginupo naman ni Alcala si third seed Danica Bolos, 21-10, 21-13.
Nakalusot naman si second seed Bianca Carlos, nagwagi sa kickoff leg ng four-stage nationwide circuit na inihahandog ng MVP Sports Foundation at Robinsons Land, kay Jennifer Cayetano, 21-18, 21-17, para sa kanilang semis duel ni Reyne Calimlim.
Pinayukod ng 21-anyos na si Calimlim ng Victor/Pcome/Philstar/La Salle si Grace Lim, 14-21, 21-19, 21-9, sa torneong suportado ng PLDT Smart Foundation, Robinsons Mall, Gatorade at official equipment sponsor Victor, exclusively distributed by PCOME Industrial Sales, Inc.
Ang mga semis showdown ay hahataw ngayong alas-9 ng umaga sa Philsports, ayon sa organizing Philippine Badminton Ranking System.
Sa premier men’s Open singles, giniba ni top seed Toby Gadi si Andrei Babad, 21-15, 21-13, para sa kanilang semis match ni No. 4 Joper Escueta, pinatalsik si Randolph Balatbat, 21-9, 21-9.
Binigo naman ni Third seed Gabriel Magnaye si Wilfred Natividad, 21-18, 21-18, para sa kanilang face-off ni Ian Mendez.
Sa Under-15 class, sinibak ni four-peat see-king Markie Alcala si Rafael Manuel, 21-11, 21-17, upang makatagpo sa semis si Christian Bernardo, isinalya si third seed Joseph Manlangit, 13-21, 21-18, 26-24.